-- Advertisements --
Bumubuti na umano ang kalagayan ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr.
Ito ay matapos na itakbo sa pagamutan dahil sa pneumonia nitong nakalipas na araw.
Ayon sa anak nitong si Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Gwen Pimentel-Gana, matapos ang 24 na oras sa pagkaratay sa pagamutan ay nagkakaroon na ng improvements ang kalusugan ng ama.
Patuloy pa rin ang panawagan nila ng pagdarasal para sa tuluyang paggaling ng kanilang 85-anyos na ama.
Magugunitang nitong Lunes ng gabi ay itinakbo sa pagamutan ang dating senador dahil sa hirap sa paghinga.