Nanindigan si dating Antonio Trillanes sa paniniwala niyang hindi dapat tinanggap ni dating VP Leni Robredo si VP Sara Duterte.
Maalalang una nang naging usapan ang pagbisita ni Duterte sa mismong bahay ni VP Leni nitong weekend kasabay ng selebrasyon ng Penafrancia festival.
Bagaman nilinaw na ni Robredo na walang halong pulitika sa naging pag-uusap nila ni Sara, hindi ito pinalagpas ng dating senador at tuloy-tuloy na binatikos ang naging hakbang ni Robredo.
Sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na hindi dapat ito ginawa ng dating Bise Presidente. Aniya, anim na taong nilaban ng sambayanang Pilipino ang opresion ng pamilya Duterte at hindi dapat ito agad binabalewala.
Bagaman ‘courteous’ o magalang si Robredo, ikinatwiran ni Trillanes na may mga hangganan o linya ang pagiging magalang.
Maalala ding sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty Barry Gutierrez na biglaan ang naging pagbisita ni Duterte sa bahay ni Robredo.
Pero ayon kay Trillanes, isa itong pagsisinungaling. Mayroon at mayroon aniyang pagpipiliian si Leni na harapin o hindi harapin si Sara.