-- Advertisements --
Nanatili pa ring pinakamayang tao sa Pilipinas si dating Senate President at real estate mogul Manny Villar.
Sa inilabas na 35th annual ranking ng Forbes mayroong kabuuang $7.2 bilyon o P349.6 bilyon ang yaman ni Villar ngayong taon.
Nasa pang 352 sa listahan ng Forbes si Villar.
Mas umangat ito ngayong taon kumpara noong 2020 na nasa pang- 565.
Sumunod naman si Ports magnate Enrique Razon kay Villar na mayroong estimated na yaman na $5bilyon o katumbas ng P242 bilyon na nasa 561 na puwesto.
Pumangatlo naman si Lucio Tan na nasa 925 na puwesto na mayroong kabuuang yaman na $3.3 bilyon o katumbas ng P160 bilyon.
Nananatiling nasa unang puwesto sa buong mundo ang founder ng Amazon na si Jeff Bezos na mayroong kabuuang yaman na $177 billion.