-- Advertisements --

Desididong magbagong buhay ang dating sexy actress na si Jenny Roa o Jennifer Cruz Killsgard matapos na maaresto dahil sa iligal na droga.

Sinabi ng dating sexy actress, kaya siya gumagamit ng droga ay dahil sa hindi na nito makayanan ang depresyon.

Itinanggi nito ng nagbebenta siya ng droga.

Naaresto nitong Miyerkules ng gabi ang dating actress sa isang drug buybust sa Pasay City.

Kasama nitong naaresto ang isang Norman Vina na residente ng Makati City.

Aabot mahigit P30,000 na iligal na droga ang nakumpiska sa dating actress.

Dekada 90 ng sumikat ang actress kung saan kabilang sa mga pelikula nito ay ang “Tag-Araw, Tag-Ulan” , “Manila Boy” , “Boy Praning: Utak Pulbura” at maraming iba pa.