-- Advertisements --

Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ng soon-to-be mommy uli na si Sheryl del Rosario o mas nakilala sa stage name na Ynez Veneracion.

Ito’y dahil halos isang dekada na mula nang isilang nito ang naging panganay sa dating karelasyon na politiko.

Ynez preggy at 40 2
“I have mixed emotions and Im humbly asking a little prayer for my safety delivery.🙏🏻🙏🏻🙏🏻 Thank u guys in advance & God bless us all!”

Ayon sa dating sexy star, sa unang linggo ng Agosto ay manganganak na siya sa pamamagitan ng caesarian section kaya hiling ang dasal lalo’t 40-anyos na siya.

Sa kabila ng pangamba, bigay todo pa rin naman si Ynez sa aniya’y kanyang first ever na maternity pictorial.

Isa sa mga costume nito ay ang superhero na si Darna, habang mayroon din yaong kasama niya ang anak na babae.

Aminado ito na maituturing na “pandemic baby” nila ito ng non-showbiz boyfriend of two years na 27-anyos lamang.

Kabilang sa hit movies ni Ynez noong kasagsagan pa ng career ay “Xerex,” “Takaw Tingin,” “Mga Babaeng Makasalanan,” at marami pa.