-- Advertisements --

Matapos alisin sa pwesto, patuloy na tatanggap ng proteksyon si dating South Korean President Yoon Suk Yeol mula sa Presidential Security Service (PSS).

Ayon sa Presidential Security Act, siya at ang kanyang asawa ay bibigyan ng seguridad sa loob ng limang taon dahil siya ay tinanggal mula sa posisyon bago matapos ang kanyang termino.

Kabilang sa mga ipagkakaloob sa seguridad ng dating Presidente ay ang pag-patrol sa paligid ng kanyang bahay, at pag-protekta tuwing sila ay ba-biyahe, kung kinakailangan.

Si Yoon, na nanumpa bilang presidente noong Mayo 2022, ay tinanggal sa pwesto nitong Biyernes matapos pagtibayin ng constitutional court ang impeachment na isinagawa ng National Assembly dahil sa kanyang deklarasyon ng martial law noong Disyembre nang nakaraang taon. S

Siya rin ay kasalukuyang nahaharap sa isang hiwalay na kasong kriminal para sa rebelyon.