-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Agad na naaresto ng mga kapulisan ang umano’y suspek sa pagbaril-patay sa dating bise alkalde ng Calbiga, Samar habang nagmamaneho ng kanyang bisekleta sa bahagi ng Maharlika Highway ng nasabing bayan.

Una nang kinilala ang biktima na si Miguel Abaigar, 54, dating bise alkalde, at residente ng Brgy. Canticum, Calbiga, Samar.

Samantala kinilala naman ang suspek na si Allan Malagueno, 43, dating AFP member at residente ng Sitio Igot, Brgy. Maulong, Catbalogan City sa Samar.

Ayon kay Col. Peter Yu Limbauan, provincial director ng Samar Police Provincial Office, matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek ngunit naaresto naman ito sa checkpoint sakay sa isang motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Bato, Paranas, Samar matapos na ialerto ng Calbiga PNP ang ibang mga police stations.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy ang motibo sa naturang pamamaril.