-- Advertisements --
Boluntaryong sumuko sa kapulisan si dating South African President Jacob Zuma.
Nahaharap kasi sa 15-buwan na pagkakulong si Zuma dahil sa contempt of court.
Dinala agad ito sa Estcourt Correctional Center sa probinsiya nito sa KwaZulu-Natal.
Nauna ng nagmatigas si Zuma na sumuko dahil sa walang kuwenta umano ang kasong isinampa laban sa kaniya.
Hindi kasi dumalo ang 79-anyos na pangulo sa pagdinig sa korte ng kaso nitong kurapsyon.