-- Advertisements --
Nais ng South African corruption inquiry na makulong ng hanggang dalawang taon si dating pangulo Jacob Zuma.
Ito ay dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.
Ayon sa nasabing korte na malinaw na guilty sa contempt si Zuma dahil sa pagbalewala nito sa imbitasyon para sa isasagawang imbestigasyon.
Ang imbestigasyon ay may kaugnayan sa alegasyon ng kurapsyon sa pamumuno ni Zuma mula 2009 hanggang 2018.
Nauna ng itinanggi ng dating pangulo ang alegasyon.
Magugunitang pinatalsik si Zuma na pinalitan ni Cyril Ramaphosa.