-- Advertisements --

Lumipat na sa kanilang ordinaryong apartment ang pinatalsik na si dating South Korean President Yoon Suk Yeol.

Kasama nitong lumipat sa kanilang tirahan ang maybahay niyang si Kim Keon Hee at 11 mga alagang aso at puso.

Sa pamumuno kasi ni Yoon ay ipinasa ang batas ng pagbabawal pagkain at pagbenta ng karne ng aso.

Dahil sa nasabing batas ay tumaas ang bilang ng mga residente na nagkaroon ng mga alagang aso at pusa.

Nasa 50 na mga presidential security service personnel ang itinalagang magbabantay sa mag-asawa.

Nakasaad sa batas ng South Korea na ang mga dating pangulo ay mabibigyan ng proteksyon ng hanggang limang taon.

Magugunitang kaya pinatalsik si Yoon mataposna magdeklara ng martial ng isang araw noong nakaraang taon.