-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating South Korean President na si Chun Doo-hwan sa edad na 90.

Ayon sa dating press secretary Min Chung-ki na mayroon itong myeloma isang uri ng cancer sa dugo at tuluyang humina ang kaniyang kalusugan.

Bilang dating military commander ay nanguna siya sa 1980 Gwangju army massacre ng pro-democracy demonstrator ang krimen kung saan siya ay nahatulan ng parusang kamatayan subalit ito ay ibinasura rin.

Ang kaniyang kamatayan ay naganap isang buwan matapos ang pagpanaw din ng dating pangulo at kamahan sa kudeta na si Roh Tae woo.