-- Advertisements --
Lee Myung Bak
Lee Myung Bak

Ikinulong ang dating pangulo ng South Korea na si Lee Myung-bak matapos matalo ito sa kaniyang apela sa kaso nitong bribery.

Magsisimula ang kaniyang 17-taon na pagkakakulong ng hindi nagtagumpay ang kaniyang apela para sa mas magaan na sentensiya.

Nakulong na ito ng panandalian noong 2018 ng hatulan ng 15 taon na pagkakakulong at pagmulta ng $11-million at ito ay pinayagan na makapagpiyansa.

Naging guilty ito sa paghingi ng suhol mula sa kumpanyang Samsung para lamang mabigyan ng presidential pardon ang chairman ng kumpanya na si Lee Kun-hee na nakulong dahil sa tax evasion.

Nanilbihan bilang presidente si Lee mula 2008 hanggang 2013.