-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang dating three-division world champion na si Jorge Linares.
Ayon sa Linares co-promoter na Teiken Promotion, nalaman na lamang nila ang pagpositibo nito sa virus sa isinagawang pre-fight test.
Nakatakda sana ang laban nito kay Javier Fortuna sa August 28 sa Fantasy Springs Resort sa Indio, California.
Titingnan pang mabuti ng promoter ang kalagayan ng boksingero bago sila magdesisyon kung itutuloy o ikakansela ang nasabing laban.
Ang 34-anyos na Venezuelan boxer ay siyang naging sparring partner din ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao.