Sa botong 186 ang pabor, 5 tutol at 7 ang abstain, pinatawang ng Censure ng Kamara si dating House Speaker at Davao del Norte 1st district Representative Pantaleon Alvarez.
Taliwas ito sa naging rekumendasyon ng House Committee on Ethics na patawan ng 60-day suspension si Alvarez.
Nang isalang na sa plenaryo ang kaso ni Alvarez, tumayo sa plenaryo si Camiguin Representative JJ Romualdo at nag-manifest na mula sa 60-day suspension gawin lamang itong censure.
Dahil dito, dinaan sa botohan kung papayagan ang parusang censure salungat sa rekumindasyon ng komite na 60-day suspension.
Kasong administratibo lamang ang pinagpasyahan ng komite o disorderly behavior bilang isang kinatawan ng Kongreso.
Una rito, sinabi ni Espares, hindi nila saklaw ang pagtalakay sa seditious statement na binitawan ni Alvarez nang himukin sa rally ng pro-Duterte supporters sa Tagum City na mag-withdraw na ng suporta ang AFP at PNP kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ito kasi anya ay maihahanay sa kasong kriminal at ito ay hurisdiksiyon ng korte.
Nauna nang ibinasura ng komite ang reklamo ng umanoy madalas na pagliban ni Alvarez sa Kamara dahil napatunayan na ito’y walang batayan.
Ang ethics complaint laban kay Alvarez ay isinampa ni Tagum City Mayor Rey Uy.