-- Advertisements --
Hindi pa ring nawawalan ng pag-asa si dating House Speaker Pantaleon Alvarez na muling mahalal sa pagka-House speaker.
Sinabi nito na hindi pa rin siya nawawala sa listahan na pinagpipilian.
Aniya, nakausap na niya si Pangulong Rodrigo Duterte at pinakinggan lamang siya nito.
Ipinapasa-Diyos na lamang nito ang posisyon dahil mahigpit ang labanan sa pagka-speakership.
Magugunitang ilan sa mga nagpahayag ng interes na maging speaker of the House ay sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Leyte Representative-elect Martin Rumualdez.