No -show si dating House Speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ngayong araw sa pinakamalaking serbisyo fair caravansa Tagum City kung saan mahigit 200,000 residente ng probinsiya ang nabigyan ng tulong at serbisyo mula sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.
Nasa 168 na mga mambabatas ang dumalo sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez.
Sa kauna-unahang pagkakataon naman dumalo si dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.
Ang Tagum City ay isa sa mga lugar na sakop ni Rep. Alvarez.
Si Alvarez ay kilalang kritiko ng administrasyong Marcos at ni Speaker Martin Romualdez.
Sa kabila ng hindi pagdating ni Alvarez sa aktibidad naging matagumpay naman ito.
Bago mag sine die ang kamara pinatawan ng censure o pinagbawalan ang dating lider ng Kamara na magsalita.
Kung maalala inireklamo si Alvarez dahil sa kaniyang seditious na pahayag.