Maaari umanong magdulot ng takot sa oposisyon ng Venezuelan government ang pagkaka-aresto sa matagal nang espiya ng bansa na si retired Maj Gen. Hugo Carvajal.
Ito raw ay upang hanapan ng depekto ang ibang military figures ngunit sa ngayon ay malaking porsyento ng armed forces ay nananatiling tapat kay Maduro.
Nahuli ito ng Spanish police sa Madrid ilang linggo kasunod ng lantaran nitong suportahan ang mga katunggali ni Venezuelan President Nicolas Maduro.
Labis naman na ikinatuwa ng U.S law enforcement officials ang pagkakahuli kay Carvajal dahil matagal na umano nila itong minamatyagan matapos niyang makatakas noong una siyang inaresto sa Aruba limang taon na ang nakakaraan.
Inakusahan ng New York prosecutors si Carvajal dahil sa di-umano’y paggamit nito sa kanyang posisyon upang makipag-ugnayan sa pagpuslit ng humigit-kumulang 5,600 kilograms ng cocaine mula Venezuela papasok ng Mexico noong 2006.