-- Advertisements --

CEBU – Nagtagumpay ang dating station manager ng Bombo Radyo Cebu matapos manalo sa pagiging alkalde ng Tudela sa Camotes, Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Greyman Jojo Solante, sinabi nito na ikinagagalak niya na siya ang pinili ng mayorya ng mga taga-Tudela.

Ayon kay Solante, interes ng mga tao ang kanyang isinisulong at pinapangako nitong magiging istrikto sa pagpapatupad ng mga batas sa lalawigan.

Bilang alkalde, giit nitong kailangan ang isang tiyak na antas ng disiplina para sa mga tao, bagay na kanyang natutunan sa 24 na taon nitong pagtatrabaho sa Bombo Radyo.

Sinabi ni Solante na malaki ang maitutulong ng kanyang mga natutunan sa Bombo Radyo sa pagiging isang public official na parehong nagseserbisyo sa publiko.

Maliban sa kanyang mga supporters, malaki rin ang pasasalamat ni Solante sa mga namamahala ng Bombo Radyo Philippines sa aral at karunungan na kanyang dala-dala hanggang ngayon.