BUTUAN CITY – Sumuko sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dating sundalo at nagtatrabaho bilang driver-bodyguard ng isa sa miyembro ng Matugas political clan sa Surigao del Norte.
Nilagdaan ni Jesusito “Nitoy†Bayang, ang kaniyang affidavit na kinuha sa PDEA main office noong Biyernes, May 10, kung saan tinukoy ang mga pangalan ng politicians na nasasangkot umano sa transaksyon ng droga sa Surigao del Norte.
Dahil sa kaniyang personal na partisipasyon at malawak na kaalaman sa illegal drug activities sa lalawigan, pinaghinalaan daw bigla si Bayang ng mga Matugases kaya napilitan siyang magtago lalo’t napag-alaman na pinaghahanap siya ng isang hired killer.
Kasama sa mga “ikinanta” ni Bayang ay sina dating 1st District Rep. Jose Francisco “Bingo†Matugas; Dapa, Siargao Vice Mayor Francisco “Jun Jun†Gonzales; Del Carmen Mayor Vice Mayor Alfredo “JR†Matugas Coro; dating Del Carmen councilor at judge na si Exequiel Degala; kaniyang kapatid na si Del Carmen Councilor Jose Bayang; at kaniyang mga tauhan.
Si Bingo Matugas ay anak ni incumbent Surigao del Norte Gov. Sol Matugas na ayon pa kay Bayang ay pinagsasabihan na niya ang mga ito tungkol sa iligal na gawain ng anak ngunit wala itong aksyon.
Si Bayang na pumasok sa Philippine Army noong 2000 at umalis sa serbisyo sa taong 2010, ay umaming una siyang nagserbisyo bilang bodyguard ni Del Carmen town Vice Mayor Alfredo “JR†Matugas Coro at binayaran siya sa ilalim ng “job order” service.
Dagdag pa ni Bayang, nalaman niyang ang kaalyado ni Corro na si Barangay Dapa Poblacion Councilor Jiggy Ozalea at drayber na si Dominador Serna na nakilalang Loklok Patil ay nagbebenta ng shabu sa vice mayor.
Rebelasyon pa nito na si Serna at bodyguard ni Bingo Matugas na nakilalang si alyas Liboy, ang humikayat sa kaniya na gumamit at magbenta rin ng shabu.