-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Tawi-Tawi Gov. Sadikul Sahali sa kaso nitong graft na may kinalaman sa maanomalyang pagbili umano nito noon ng mga fertilizer at insecticide para sa kanyang lalawigan.

Nag-ugat ang kaso ni Sahali matapos umanong gamitin ang P1.75-milyon na budget para sa kwestyonableng transaksyon noong 2004.

Nauna ng sinabi ng former governor na bigo ang prosekusyon na maglabas ng kopya ng sinasabing cheke na kanyang ginamit, pati na ang report ng Commission on Audit na nagsasabing may iregularidad sa procurement.

Pero nanindigan ang 2nd Division ng anti-graft court, na sapat na ang testimonya ng mga witness, gayundin ang ebidensya ng prosekusyon para idiin sa reklamo ang dating gobernador.

“After a meticulous review of the records, the court finds that the evidence adduced by the prosecution, testimonial and documentary, appear to be prima facie sufficient for conviction of the accused of the offenses charged.”