Nagpostibo sa corovavirus an dating tennis player na si Goran Ivanisevic.
Kinumpirma mismo ito ng 48-anyos at dating Wimbledon champion at Croatian tennis star matapos ang natigil na Adria Tour na inorganisa ni Novak Djokovic.
Kuwento pa nito na matapos ang dalawang negatibong test results ay nagpositibo na ito ngayon.
Dagdag pa nito na wala naman itong masamang nararamdaman at bumuti naman ito sa kasalukuyan.
Pinayuhan din nito ang mga nakasalamuha niya na sumailalim din sa pagsusuri para matiyak na hindi sila nadapuan ng nasabing virus.
Sa kasalukuyan ay bahagi siya sa coaching staff ni Djokovic.
Nauna rito umani ng batikos ang Adria tennis tournament matapos na nagpositibo sa coronavirus ang ilang mga tennis players gaya nina Grigor Dimitrova ng Bulgaria, Borna Coric ng Croatia at Viktor Troicki ng Serbia.
Maging ang asawa ni Djokovic ay nagpositibo rin sa virus kasama ang fitness coach nito nito na si Marco Panichi at coach ni Dimitrov na si Christian Groh.