-- Advertisements --

Nakahanap na ngayon ng bagong sports matapos na magretiro sa tennis si Steffi Graf.

Pinagkakaabalahan na nito ngayon ang sports na pickleball na laro na tulad ng tennis pero mas maliit na raketa at bola.

Noong nakaraang taon ay nakapaglaro na rin ito sa 2024 Pickleball Slam 2 event.

Maging ang asawa nitong si Andre Agassi ay naglalaro na rin kung saan tinalo niya ang kapwa tennis legend John McEnroe at Maria Sharapova sa Hollywood, Florida.

Si Graf ay dating 22 grand slam singles champion na hawak ang record ng 377 weeks bilang world number 1.

Matapos ang 25 taon na pagreretiro sa tennis ay nagkainterest ito sa paglalaro ng pickleball.

Ang nasabing sports ay mabilis na sumikat sa loob ng apat na magkakasunod na taon sa US.

Mayroong 48.3 milyon na adults ang naglalaro na sa buong mundo mula 2022 at 2023.