Iginiit ni dating PNP Deputy Chief for Operation na si PLGEN Benjamin Santos Jr. na siya ay inosente at walang kinalaman sa mga alegasyong ibinabato laban sa kaniya na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Ito ay matapos na makaladkad ang kaniyang pangalan sa kaso ng 990 kilo ng shabu na nasabat mula kay PMSG Rodolfo Mayo Jr. noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Ayon kay Santos, walang basehan ang lahat ng mga akusasyon laban sa kaniya hinggil sa nasabing kaso dahil tanging CCTV footage na hindi dumaan sa due process at consultations ang naging batayan ng ginawang hakbang ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na pangalanan ang mga police officials na umano’y sangkot sa nasabing isyu.
Aniya, dahil dito ay hindi man lang sila nabigyan ng pagkaataon na makapagpaliwanag ng kanilang mga sarili.
Giit ni Santos, hindi siya kasali sa umano’y tangkang cover up sa naturang kaso dahil nagpunta lamang siya sa crime sa utos ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. pagkatapos ng isinagawang buy-bust operation.
Bukod dito ay sinabi rin niya na sa katunayan pa raw nito ay una nang nagsagawa ang Senado ng bukod na imbestigasyon ukol dito ngunit hindi naman aniya kailan man nabanggit ang kaniyang pangalan.
Samantala, Patuloy naman ang pag-asa ni PLTGEN Santos na sa kabila ng mga alegasyong ito laban sa kaniya ay mabibigyan siya ng pagakataon na makapagretiro ng payapa lalo na’t anim na buwan na lamang ang natitirang panahon para sa kaniyang serbisyo.