Nahalal bilang bagong pangulo ng South Korea ang oposisyon at dating top prosecutor na si Yoon Suk-yeol sa ginanap na halalan nitong nakalipas na Miyerkules.
Nanguna si Yoon na nakakuha ng 48.6% na boto laban sa ruling liberal party Democratic candidate na si Lee Jae Myung na nakatipon ng 47.8% votes mula sa mahigit 99% votes na nalikom.
Ang pagkapanalong ito ni Yoon ay inaasahang magiging daan para magkaroon ng malakas na alyansa sa US at mas maigting na ugnayan sa North Korea.
Sa victory speech ng dating top prosecutor at newly elected president ng South Korea, na kaniyang igagalang ang konstitusyon at parliament gayundin makikiisa ito sa opposition party para sa matiwasay na pamumuno.
Sa buwan ng Mayo nakatakdang manumpa bilang bagong pangulo si Yoon at magsisilbi ng limang taong termino bilang lider ng itinuturing na 10th largest economy sa buong mundo.