-- Advertisements --

Nakalikom ng $375,000 o mahigit P17-M ang dating Tour de France champion na si Geraint Thomas.

https://twitter.com/GeraintThomas86/status/1251210193444241409

Isinagawa nito ang fundraising para sa pagtulong sa mga National Health Service workers.

Unang nanawagan sa mga fans na magdonate at ang gagawin niya lamang ay sumakay ng kaniyang trainer bike sa bahay nito sa Cardiff sa loob ng 36 oras sa loob ng tatlong araw.

Itinuring niya ang challenge bilang pagsali ng walo hanggang siyam na stage sa Tour de France.