-- Advertisements --
IMAGE © Department of Tourism old building in Manila | Manila Photos

Nahaharap ngayon sa kasong graft si dating Department of Tourism (DOT) Sec. Ace Durano kaugnay ng maanomalyang kontrata sa nilabas na kalendaryo ng kagawaran noong 2009.

Batay sa charge sheet na inihain ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Maria Vida Hechanova sa Sandiganbayan, nakasaad na hindi dumaan sa public bidding ang paggawad ng DOT sa PDP Digital Incorporated ng P2.7-milyon para sa “conceptualization at development” ng 2009 DOT calendar.

Ayon sa reklamo, nilagdaan ni Durano ang kasunduan matapos mag-issue ng certification na kumikilala sa PDP Digital bilang supplier ng Tourism department.

Nai-raffle na ni Ombudsman Samuel Martires ang kaso sa 7th Division ng anti-graft court.

Bukod kay Durano, nahaharap din sa parehong reklamo sina dating DOT Usec. Oscar Palabyab; at and then-Bids and Awards Committee (BAC) officials Grave Yoro, Eduardo Jarque Jr., Evelyn Cajigal, at Adriana Flor.