-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng apat na buwan ang dating trade adviser ni ex-President Donald Trump na si Peter Navarro.
Bukod pa dito ay pinagbabayad siya ng $9,500 na multa dahil sa contempt sa kongreso.
Mula pa kasi noong Setyembre ay hindi ito dumadalo sa pagdinig ng kongreso kahit makailang ulit ng pinadalhan ng subpoena.
Kabilang kasi si Navarro sa mga iniimbestigahan na kasama ni Trump dahil umano sa pagtatangka nila na baligtarin ang resulta ng halalan noong 2022.
Paliwanag naman ni Judge Amit Mehta na mayroon itong malaking respeto sa 74-anyos na si Navarro subalit nakakadismaya kung paano ang ipinapakita nitong pag-uugali.