-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang hangarin na buhay.

Ito ang pinatunayan ng dating tricycle driver na bahagi ng Philippine National Police Academy (PNPA) Hinirang Class of 2021.

pnpa iloilo grad driver

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lt. John Michael Dalipe, tubong Passi City sa Iloilo province, sinabi nito na nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Passi City College bilang iskolar.

Habang nasa kolehiyo, naging tricycle driver at stockman si Dalipe upang may pangtustos sa kanyang pag-aaral.

Dahil sa pangarap na maging pulis, kumuha si Dalipe ng PNPA Cadet Admission Test noong 2016 at pinalad na makapasa hanggang sa makatapos noong Abril 21, taong kasalukyan.

Inamin din ni Dalipe na palagi siyang umiiyak dahil sa hirap ng kanilang buhay na siyang naging inspirasyon nito upang maabot ang parangap.