-- Advertisements --

Ikinasal na ang dating tv host at radio dj na si Grace Lee sa kaniyang fiance’ na si Alex Tiu.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa SaRang Church sa South Korea nitong araw ng Biyernes.

Dinaluhan ito ng mga kaanak at mga malalapit na kaibigan gaya nina Mariel Rodriguez-Padilla, Ruffa Mae Quinto, Julius Babao at asawa nitong si Christine Bersola-Babao.

Ang 42-anyos na si Grace ay dating official interpreter ng Malacanang.

Sinasabing na-link din ito dati sa namayapang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Taong 2015 ng manirahan at nagtrabaho sa South Korea si Grace at doon nakilala ang nobyo.