-- Advertisements --

Hindi na interesado si dating UFC two-division world champion Georges St-Pierre na makaharap pa si welter weight world champion Kamaru Usman.

Sinabi nito na nagretiro na siya sa pakikipaglaban at wala ng balak pa itong bumalik.

Huling laban kasi nito ay noong 2017 sa UFC 217 kung saan nanalo ito ng UFC middleweight world title sa pamamagitan ng third-round submission laban kay Michael Bisping.

Magugunitang matagumpay na naidepensa ni Usman ang fan-favorite Jorge Masvidal sa pamamagitan ng unanimous decision noong July 12.