-- Advertisements --

Nakatakdang iharangin bilang UFC Hall of Fame si dating two-division champion Georges St.-Pierre.

Sinab ni UFC President Dana White na isang “pioneer” ng Canadian MMA si St-Pierre.

https://www.instagram.com/p/B__fr-enDqb/

Inalala pa nito ang naging matinding impact nito sa Toronto noong April 2011 UFC kung saan bumandera si St. Pierre.

Unang nagwagi sa welterweight title si St-Pierre noong Nobyembre 2006 ng talunin si Matt Hughes.

Nawala ang nasabing belt ng talunin siya ni Matt Serra noong Abril 2007 at kaniyang nabawi sa taon din iyon sa pamamagitan ng rematch.

Nagretiro ang 38-anyos na si St. Pierre noong Pebrero 2019 na mayroong middleweight at welterweight belt kung saan mayroon itong 26 na panalo at dalawang talo kabilang na ang siyam na sunod na pagdepensa ng kaniyang UFC welterweight championship.