-- Advertisements --

Arestado ang dating UFC fighter na si Anthony Johnson dahil sa kasong Identity theft sa New Canaan, Connecticut.

Ayon sa mga otoridad may kaugnayan ang kaso nito sa iligal na paggamit niya ng credit card para makabili ng airline tickets noong Nobyembre 2019.

Pansamantalang nakalaya ito matapos makapagbayad ng $500 bond at inaayos na nila ang petsa ng pagdinig sa kaso nito.

Ang 37-anyos ay mayroon record 23 panalo at anim na talo.

Dalawang beses nitong nakaharap ang dating UFC two-division champion na si Daniel Cormier.