Pinalaya na mula sa pagkakakulong sa United Kingdom si dating world number 1 men’s tennis player Boris Becker.
Natapos na nito kasi ang walong buwang pagkakakulong na hatol at siya ay nakatakdang ma-deport.
Residente ng Germany si Becker pero nanirahan sa London mula pa noong 2012 subalit hindi siya nabigyan ng British citizenship.
Noong Abril kasi ay napatunayan ng korte na siya ay guilty sa apat na kaso na may kaugnayan ng kaniyang bankruptcy case sa ilalim ng Insolvency Act at hinatulan ni Judge Deborah Taylor sa Southwark Crown Court ng dalawa at kalahating taon.
Inakusahan ni Taylor ang six-time grand slam champion na pinaglaruan ang sistem kung saan itinago nito ang kaniyang mga assets sa pamamagitan ng paglipat at niloko pa ang mga creditors ng mahigit $2.51 milyon.
Mariing pinabulaanan naman ni Becker ang nasabing alegasyon.
Nagtala ng kasaysayan ng tennis si Becker ng magwagi siya sa Wimbledon sa edad ng 17 noong 1985 at nagwagi pa siya ng lima pang grand slam titles sa sumunod na 11 taon.