Sa kabila nang pag-pupumilit umano ni President Donald Trump na imbestigahan ng Ukraine ang kaniyang katunggali sa pulitika na si Joe Biden at anak nito, dapat daw ay magsimula muna sa Estados Unidos ang imbestigasyon at hindi sa Ukraine.
Ito ang naging paliwanag ni dating Ukrainian prosecutor general Yuriy Lutsenko.
“I don’t know any reason to investigate Joe Biden or Hunter Biden according to Ukrainian law,” saad ni Lutsenko.
Base raw kasi sa international law, saka lamang pwedeng mangialam ang Ukraine sa imbestigasyon ukol sa di-umano’y korap na aktibidad ng mag-amang Biden ay kung opisyal itong bubuksan ng US.
Makapagbibigay naman ng legal at international assistance ang Ukraine sa pamamagitan ng request, question and answer at maging ang pagbuo ng joint investigation team.
Ayon kay Lutsenko, hindi na raw sakop ng Ukrainian law ang gagawing imbestigasyon laban kay Joe at Hunter Biden.
Taong 2014 nang maging direktor ng Ukrainian natural gas company na Burisma si Hunter Biden habang nakaupo bilang bise-presidente ng US ang kaniyang ama.
Paniniwala ng kampo ni Trump na ang dating bise-presidente ang nasa likod nang pagpapatalsik kay Ukraine’s top prosecutor Viktor Shokin.