-- Advertisements --

Ibinunyag ng dating US Ambassador to Ukraine Marie Yovanovitch sa impeachment inquiry laban kay US President Donald Trump na siya ay tinakot.

Ito ay matapos na ilabas ng kongreso ang unang transcript mula sa closed-door testimony sa pag-uusap sa telepono ng US at Ukraine President noong Hulyo 25.

Tinawag pa ni Trump ang dating Ukraine ambassador bilang “bad news” matapos na ilabas ang nasabing impormasyon.

Dagdag pa ni Yovanovitch na mula pa noong 2018 ay sinimulan na siyang sirain ng abogado ni Trump na si Rudy Giuliani.

Sa nasabing House Intelligence Committe, ay inilabas din ang testimonya ni dating top adviser US Secretary of State Mike Pompeo.

Gumagawa naman ng hakbang ang ilang mambabatas sa US kung ano ang gagawin sa mga US officials na hindi dumalo sa impeachment inquiry.