Itinakbo sa pagamutan si dating US House Speaker Nancy Pelosi matapos na magtamo ng injury mula sa kaniyang official trip sa Luxembourg.
Ayon sa tagapagsalita nito na si Ian Krager na patuloy ang ginagawang pagpapagamot ni Pelosi.
Kasama ni Pelosi na siyang nagrerepresenta ng California sa US House ang bipartisan Congressional delegation sa Luxembourg para sa pagdiriwang ng 80th anibersaryo ng Battle of the Bulge.
Dagdag pa ni Krager na babalik naman sa US si Pelosi kapag gumaling na at ito ay patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.
Hindi naman nito binanggit kung ano ang mga injury na kaniyang tinamo.
Unang naging House speaker ito mula 2007 hanggang 2011 at nakabalik sa pagiging speaker noong 2019.
Nagbiitiw lamang ito sa posisyon noong 2023 matapos ang magkahiwalay na apat na taong termino sa kaniyang panunungkulan.