-- Advertisements --

Sinabihan na ni dating House Speaker Nancy Pelosi si US President Joe Biden na mahihirapan itong talunin si Donald Trump sa pagkapangulo.

Kasunod ito sa dumaraming nananawagan kay Biden na umatras na lamang ito sa muling pagtakbo sa pagkapangulo.

Hindi naman pinansin ito ni Biden at nagmatigas na kayang-kaya pa rin niyang talunin muli si Trump.

Magugunitang nasa 20 mga kaalyado ni Biden ang nanawagan na dapat umatras na ito dahil sa pangamba ng mga ito sa kaniyang kalusugan.