-- Advertisements --

Ikinulong si dating US intelligence analyst Chelsea Manning dahil sa pagtanggi nitong magtestigo sa isinasagawang imbestigasyon ng Wikileaks.

Ayon kay US District Judge Claude Hilton ng Virginia, na kanila munang ikukustodiya si Manning hanggang matapos na ang trabaho ng grand jury o makapagdesisyon na itong tumestigo.

Magugunitang nahatulang guilty ang 31-anyos dahil sa espionage matapos ang pagkalat ng secret military files sa Wikileaks.

Noong 2010 ng maaresto ito sa Iraq dahil sa pagsiwalat ng 700,000 confidential documents, videos at diplomatic cables sa anti-secrecy websites.

Hinatulan itong makulong ng 35 taon dahil sa kaso subalit pinababa ito sa pitong taon ni dating US President Barack Obama.