-- Advertisements --

Pumanaw na si dating US Justice Sandra Day O’Connor sa edad na 93.

Ayon sa US Supreme Court na ang dahilang ng kamatayan nito ay ang pagkakaroon ng kumplikasyon na may kinalaman sa advanced dementia.

Siya ang unang babae na naupo sa US Supreme Court.

Dahil dito ay naenganyo na ang mga kababaihan na manungkulan sa US Supreme Court.

Itinuturing naman ni US Chief Justice John Roberts si O’ Connor bilang “patriots” at “fiercely independent defender of rule of law.

Taong 2018 ng ibunyag nito sa pamamagitan ng sulat na siya ay na-diagnosed ng dementia.