Ipinatawag ng mga House of Representatives investigators si dating US National Security Adviser John Bolton.
May kaugnayan ito sa isinasagawang impeachment trial laban kay US President Donald Trump.
Magugunitang si Bolton ay bumaba sa kaniyang puwesto noong Setyembre matapos na kontrahin ang Pangulo.
Malaki ang paniwala ng mga mambabatas lalo na ang mga Democrats na may kinalaman si Bolton sa naging pag-uusap nina Trump at Ukraine President.
Itinakda ang pagtestigo ni Bolton sa November 7.
Samantala, nagpahayag naman nang pagnanais na tumestigo si US ambassador to Ukraine Bill Taylor.
Ito ay para patunayan na walang anumang nangyaring pag-pressure ni Trump sa Ukraine President sa pagpapa-imbestiga kay dating Vice President Joe Biden.
Nakatakdang pagbotohan ng mga mambabatas ang resolution sa pag-formalize ng rules ng impeachment inquiry.