-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang dating miyembro ng US Navy matapos tadtarin ng saksak ng dalawang suspek sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Zamora Street, Barangay 7, Tacloban City.

Kinilala ang biktima na si Thomas Mate, 62-anyos na retiradong US Navy at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Pol. Maj. Allan Camasin, Information Officer ng Tacloban City Police Office, lumalabas na naramdaman ng biktima na may nanloloob sa kanilang establishmento.

Nang tila makatunog naman ang mga suspek ay bigla na lamang pinagsasaksak ng mga ito ang biktima.

Nagtamo ng maraming sugat ang dating Amerikanong sundalo na agad pang itinakbo sa pagamutan ngunit binawian din kinalaunan.

Sa ngayon ay natukoy at naaresto na ang mga suspek na 16 at 17-anyos pa lamang.