-- Advertisements --
ASHLEY WAGNER 1
Ashley Wagner/ IG post

Ibinunyag ni US national figure skating Ashley Wagner na siya ay pinagsamantalahan ng dating figure skater John Coughlin.

Ayon sa 28-anyos na Olympic bronze medalist, nangyari ito noong siya ay 17-anyos pa lamang habang 22-anyos si Coughlin.

Nagpakamatay na ang two-time pairs champion na si Coughlin noong Enero sa edad 33 matapos na ito ay suspendihin ng US Figure Skating ng US Center for SafeSport.

Isinagawa nito ang pagbubunyag ng kunin siya bilang speaker sa US Figure Skating athlete safety seminars.

Tinyak naman ni US Figure Skating spokeswoman Barbara Reichert na hindi na mauulit ang nangyari kay Wagner.

Si Wagner ay bronze medalist ng US noong 2014 Sochi Olympics Winter games at US national champion mula 2012, 2013 at 2015.