-- Advertisements --
Isinugod sa ospital sa California si dating U.S. President Bill Clinton dahil sa hinalang blood infection.
Sinasabing si Clinton, 75, naka-confine sa intensive care unit upang mabigyan ng privacy.
Nilinaw din naman ng mga doktor ng University of California Irvine Medical Center sa California na hindi naman inilagay sa breathing machine ang dating presidente.
Nilinaw din ng opistal na walang kinalaman ang pagkakaospital ni Clinton sa COVID-19 at sa dati nitong heart problems.
Noong una raw nakaranas ng pagkapagod ang dating pangulo na posibleng nagsimula sa urinary tract infection.
Sa ngayon nagrerekober na rin si Clinton matapos ang dalawang araw sa ospital.