Nakalabas na sa pagamutan si dating US President Jimmy Carter.
Ayon sa Carter Center, nailabas na ang 95-anyos na dating pangulo mula sa Phoebe Summer Medical Center sa Americus, Georgia matapos sumailalim sa urinary tract infection.
Noong nakaraang mga araw ay itinakbo sa pagamutan ang tinaguriang longest-living US president sa kasaysayan ilang araw matapos ang pagsailalim ng operasyon dahil sa pressure sa utak na mula sa kaniyang pagkakahulog noong nakaraang buwan.
Noong August 2015 ay ibinunyag nito na mayroon siyang melanoma isang uri ng skin cancer na kumalat sa kaniyang utak kung saan sumailalim ito sa gamutan at noon katapusan ng taong iyon ay idineklarang cancer-free na ito.
Nitong nakaraang Mayo ay nahulog ito sa kanilang bahay na napilay ang kaniyang balakang na sumailalim siiya sa hip replacement at naulit ito noong Oktubre ng mahulog ito sa kaniyang bahay na nagtamo ito ng black eye at kinailangan ng 14 na tahi sa kaniyang noo.
Nagsilbi bilang pangulo ng US si Carter mula 1977 hanggang 1981.