Nakalabas na sa pagamutan si dating US President Bill Clinton.
Nakahawak ang dating pangulo sa asawa nitong si dating Secretary of State Hillary Clinton at pinasalamatan ang mga staff ng ospital.
Sinabi ni University of California Irvine Health Department of Medicine Executive Director Dr. Alpesh N. Amin na naging nawala na ang kaniyang trangkaso at naging normal na ang white blood cell count ng dating pangulo.
Pinayagan na niya itong umuwi sa bahay nila sa New York at doon na niya ipagpapatuloy ang paggamot ng antibiotics.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay itinakbo sa intensive care unit ng UC Irvine Medical center ang 75-anyos na dating pangulo dahi sa urinary tract infection na kumalat sa kaniyang dugo.
Taong 2004 ng sumailalim na ang 42nd President sa bypass heart surgery at mayroong dalawang tubo na itong ipinasok sa kaniyang artery.