-- Advertisements --

Idinemanda ni former US President Donald Trump ang Justice Department kaugnay sa paggalugad sa kaniyang Mar-a-Lago residence

Sa 27 pahinang dokumento na inihain ng legal team ni Trump sa Florida court, hiniling ng dating Pangulo sa hukom na i-freeze o ipatigil ang imbestigasyon ng justice department sa mga dokumento na nakumpiska mula sa Mar-a-Lago.

Nais din nito na magtalga ng isang independent lawyer para siyasatin ang mga dokumento na nakuha ng FBI sa kanilang paghalugad sa kaniyang residence kung saan kabilang sa nasamsam ay ang 11 sets ng classified files.

Nais din nito na maisiwlat ang detalyadong listahan kung ano talaga ang mga dokumento na kinuha mula sa kaniyang residence at hiniling sa gibyerno na ibalik ang anumang gamit na hindi kabilang sa scope ng search warrant.

Inakusahan ng legal team ni Trump ang ginawang paghalugad ng Justice department para siraan ang dating Pangulo para mapigilan ang muling pagtakbo nito bilang Pangulo para sa taong 2024.

Top