-- Advertisements --

Inihain na umano ni dating US President Donald Trump ang kanyang mga papeles na naglulunsad ng kanyang kandidatura upang muling tumakbo sa pagkapangulo sa taong 2024.

Ang mga papeles ni Trump ay nakarating na umano sa Federal Election Committee ilang sandali bago siya gumawa ng kanyang anunsyo sa Mar-a-Lago, ang kanyang Florida waterfront estate.

Inanunsiyo ng 76-year-old former president sa kaniyang daan-daang mga supporters na “ang pagbabalik ng America ay magsisimula na ngayon.”

Tinanong pa niya ang kaniyang mga supporters kung handa na ba ang mga ito sa kaniyang pagtakbo.

“In order to make America great and glorious again, I am tonight announcing my candidacy for president of the United States,” ani Trump.

Nagyabang pa ang dating pangulo na “hindi mangyayari” ang digmaan sa Ukraine kung siya pa ang naging pangulo ng Amerika.

Liban nito, muli din niyang inungkat ang bulok daw na sistema ng halalan sa Amerika na nagresulta sa kanyang pagkatalo sa reelection bid.

“Anyone who truly seeks to take on this rigged and corrupt system will be faced with a storm of fire that only a few could understand,” wika pa ni Trump. “I have no doubt that by 2024 it will sadly be much worse and they will see clearly what has happened and is happening to our country – and the voting will be much different.”