-- Advertisements --

‘I WAS SHOT’

Ito ang pahayag ni dating US President Donald Trump matapos masugatan ang kaniyang kanang tainga na nadaplisan ng bala.

Sa isang pahayag sinabi ni Trump na batid niya kaagad ang nangyarig matapos siya tamaan ng daplis na bala habang nagtatalumpati sa kasagsagan ng kaniyang rally sa Butler, Pennsylvania.

” I knew immediately that something was wrong in that I heard a whizzing sound, shots and immediately felt the bullet ripping through the skin. Much bleeding took place, so I realized then what was happening. God Bless America!,” pahayag ni Trump.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente ng pamamaril o tangkang assasination sa dating pangulo.

Inihayag ni Trump na nasa maayos na siyang kalagayan ngayon matapos siyang alisin sa venue.

Pinasalamatan naman ni Trump ang mga otoridad na kaagad rumisponde sa insidente.

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Trump sa pamilya ng mga nasawi.