-- Advertisements --

Nagpapagaling na ngayon si dating US President Barack Obama matapos na siya ay magpositibo sa COVID-19.

Sinabi nito na maging ang kaniyang asawa na si dating first lady Michelle Obama ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Dagdag pa ng dating US President na nakaranas ito ng pangangati ng lalamunan ng ilang araw.

Nagpapasalamat na lamang aniya sila dahil fully-vaccinated na silang mag-asawa.

Kakauwi lamang ng 60-anyos na dating pangulo sa Washington mula sa bakasyon sa Hawaii ng makasalamuha ang isang tao na nagpositibo sa COVID-19.

Kasalukuyan ng naka-isolate ang mag-asawa at sila ay nagpapagaling na.

Si Obama ang pangalawang dating pangulo ng US na nagpositibo sa COVID-19 na ang una ay si Donald Trump noong Oktubre 2020.