-- Advertisements --

Nagwagi si dating US President Barack Obama sa EmmyAward.

Ito ay sa kategoryang best narrator para sa kaniyang Netflix documentary na Our Great National Parks.

Dahil dito ay nalalapit na si Obama na maging Egot, ang indibidwal na nagwagi sa Emmy, Grammy, Oscar at Tony Awards.

Siya rin ang pangalawang pangulo sa US na nagwagi sa Emmy.

Ang nasabing dokumentary ay nagpapakita sa natural beauty mula sa limang kontinente na ipinapakita ang ilang lugar gaya ng Chilean Patagonia at Indonesia.

Ilan sa mga nakatunggali nito sa nasabing kategorya ay sina David Attenborough, Lupita Nyong’o at Kareem Abdul-Jabbar.

Mula kasi noong matapos ang kaniyang termino bilang pangulo noong 2017 ay itinayo nilang mag-asawang si Michelle ang kanilang production company na Higher Grounds.

Unang nagwagi si Obama ng Grammy Awards sa audio versions ng kaniyang memoirs ng “The Audacity of Hope” at “Dreams from My Father”.

Isang pangulo ng US na nagwagi ng Emmy ay si Dwight Eisenhower na nabigyang ng honorary award noong 1956 dahil sa naging unang pangulo na nagsagawa ng televised news conference.

Sa kasalukuyan ay mayroong 17 mga indibidwal din ang nagwagi ng Egot status na kinabibilangan nina Mel Brooks, Whoopie Goldberg, Audrey Hepburn at Jennifer Hudson.